Doc Liza Ramoso-Ong

Paliitin Ang Bilbil (Tiyan): Anong Gagawin?

A photo of a person squeezing his belly fat

A photo of a person squeezing his belly fat

By Dr. Liza Ramoso-Ong

Marami sa atin ang may problema sa lumalaking bilbil, lalo na kapag nagkakaedad. Kung overweight o kulang ka sa ehersisyo ay puwede din lumaki ang bilbil. Ano ang ating magagawa para mapaliit ito?

Heto ang ilang payo para lumiit ang bilbil:

  1. Uminom ng isang basong tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakakain.
  2. Kumain ng mas madalas pero kaunti lamang. Ang isang saging o mansanas ay puwedeng pang-meryenda na.
  3. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kung dati-rati ay 2 tasang kanin, gawin na lang 1 tasang kanin.
  4. Kumain ng mas mabagal. Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain.
  5. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses kada lingo. Subukang mag-aerobic exercise ng 30 minutos hanggang isang oras.
  6. Palakasin ang masel sa tiyan. Mag-aral ng mga ehersisyo para lumakas ang tiyan, tulad ng stomach crunches.
  7. Magkaroon ng tamang tindig (posture). Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo.
  8. Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices. Nakatataba ito at nakadaragdag sa laki ng bilbil.
  9. Kumain ng almusal araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin ka pag dating ng tanghalian at mapaparami ang iyong makakain.
  10. Bawasan ang pag-inom ng alak at beer.
  11. Bawasan ang pagkain ng maaalat. Ang asin at alat ay nagdudulot ng pagmamanas ng katawan.
  12. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Umiwas sa matataba at mamantikang pagkain.
  13. Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan.
  14. Bawasan ang stress at matulog ng sapat.
  15. Maging masipag. Ituloy lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang bilbil.
Exit mobile version