Doc Liza Ramoso-Ong

Paano Gaganda ang Labi

A photo of woman's lips

A photo of woman's lips

Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong

Ang labi ay parang sponge. Nag-a-absorb ng tubig para plump o maumbok ang labi. Kapag kulang sa iniinom na tubig o dehydrated, nagiging tuyot o manipis ang labi. Ang labi ay walang oil glands kaya nag-puputok-putok o nagsusugat.

Doc Liza shares tips on having red lips.

Tips para gumanda ang labi:

  1. Uminom ng 8-10 basong tubig para laging malambot at hydrated ang labi.

Pangkaraniwang problema ng labi:

  1. Nagsusugat sa gilid ng labi. Kaya lagyan ng lip balm ng madalas.

Pangalagaan natin ang ating lips para maging maganda. Salamat po.

Paano Magkaroon ng Mapulang Labi

Ang maitim na labi ay dahil sa ultraviolet rays ng araw, sigarilyo, pag-inom ng mga may kulay na inumin tulad ng kape, tsaa, o kaya naman ay lahi.

Tips para pumuti, mag-pink o pumula ang labi:

  1. Asukal at butter scrub – Ang asukal ay exfoliant, para tanggalin ang dead cells sa ibabaw ng labi. Ang butter naman ay para mag-oil sa lips. Gumawa ng asukal at butter paste: Paghaluin ang isa at kalahating kutsarita ng asukal at isang kutsarita ng butter. I-scrub sa labi tapos ay banlawan at lagyan ng lip balm. Kapag walang butter pwede ipalit ang langis ng niyog. Gawin 2-3 beses kada linggo.
  2. Ang kalamansi o lemon ay mayroon itong natural na bleaching o pampaputi ng labi at dark spots. Pigain at i-masahe ang juice sa labi bago matulog. Lagyan ng tubig para hindi masyado matapang.
  3. Pwede din lagyan ng honey ang labi tuwing gabi, patuyuin at hayaan lang ito magdamag.
  4. Pwede din lemon, asukal at langis ng niyog scrub.

Sana ang mga scrubs at tips na ito ay makatanggal ng maiitim na patse, makapagpapalambot at magbigay ng pink o pulang kulay sa inyong labi. 

Exit mobile version