Doc Liza Ramoso-Ong

Sakit sa “Dibdib” ng Babae at Lalaki

A photo of a ribbon symbolizing breast cancer awareness held by a man and woman's hand

A photo of a ribbon symbolizing breast cancer awareness held by a man and woman's hand

Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong

Mga dahilan ng paglaki ng suso:

  1. Ang mga lalaki habang nagbibinata ay nagkakaroon ng maliit na mga bukol sa may nipple o utong, dapat pansamantala lang ito dahil sa hormone na estrogen.
Doc Liza talks about proper women’s undergarments.

Mga sintomas na nakikita:

  1. Ang mga ina na nagpapasuso ay nagkakaroon ng pagbitak sa utong o nipple na pwedeng lagyan ng oil o lotion para maiwasan ang pagsusugat.

Kanser sa Dibdib (Breast Cancer): Ano Gagawin

1. Ang sintomas ng kanser sa suso ay parang nagiging balat ng orange ang kutis ng suso, minsan mapula o nagkakaliskis. Mayroong bukol ang suso at maaaring masakit o hindi, bumaliktad ang utong o nipple (retracted), mayroong lumalabas na dugo sa nipple, nagbago ang hugis at laki ng suso at kumakapal ang laman sa may kilikili.

2. Nakakataas ng tsansa ng kanser sa suso kung may mga risk factors tulad ng edad 50 pataas, hindi nanganak at hindi nag-breastfeed, at may lahi ng kanser sa suso sa pamilya.

3. Kapag natuklasan na may kanser sa suso ay humanap ng doktor at ospital kung saan kaya mo ang presyo ng pag-opera. Isipin magkano ang budget na meron ka, tingnan kung may Philhealth, lumapit sa PCSO at social service ng napiling ospital. Pwede mag-second opinion. Tawagin ang mga kamang-anak at magpatulong. Emosyonal ang mayaskit sa pagkakataong ito, dahil hindi makapaniwala sa pangyayari at hirap magdesisyon. May takot at galit sa nangyari, pero pulungin ang buong pamilya para matulungan ang pasyente.

4. Kayanin ang sakit na kanser sa pamamagitan ng paghahanda mabuti. Itanong sa doktor kung ano ang sakit at gamutan, at aralin ang naging sakit. Gawin pa din ang mga dating gawain tulåd ng trabaho, bakasyon, pagpunta sa mahal sa buhay. Ituloy ang ehersisyo tulad ng paglalakad. Tumawa pa din, manood ng sine, ituloy ang hobby at pagre-relax.

5. Ang isa sa pangamba ng mga maysakit na kanser ay kung paano sasabihin sa mga anak na maliliit ang sakit. Isabi ng tapat ang kalagayan. Sabihin sa anak na magkuwentuhan pa din sila. Kahit bata pa ang mga anak, ay bigyan ng lakas ng loob at katiyakan ang mga bata. Tawagin din ang mga kamag-anak at support group para tulungan ang maysakit.

6. Paano makakaiwas sa sakit sa suso. Wala pong miracle food pero ang payo ay kumain ng iba’t ibang gulay at prutas, mag-ehersisyo at panatilihin ang tamang timbang.

Exit mobile version