Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong
Sa babae, mula 21 hangang 45 araw ang pagitan ng bawat regla. Subalit ang ibang babae ay natatagalan ang pagdating ng regla dahil sa sumusunod na dahilan:
- Kung malapit na mag-menopause ay bababa na ang lebel ng estrogen sa edad 45 o 50.
- Kapag sobra sa ehersisyo ay nakaka-apekto din sa regla tulad ng 5-25% ng atleta, ballet dancers at runner kasi sobra ang trabaho ng adrenal gland, thyroid gland at pituitary gland.
Ang adrenal gland na nasa kidneys ay gumagawa ng hormone na cortisol para magbigay ng energy at tumugon sa stress.
Ang thyroid gland sa leeg ay taga-regulate ng katawan kasama na ang regla.
Ang pituitary gland ay master gland o leader o nagko-control ng katawan.
- Delayed ang regla kung may problema sa thyroid hormones, maaring sobra o kulang.
- Apektado ang regla kung mataas ang lebel ng prolactin mula sa pituitary gland.
- Ang biglang paghinto ng birth control tulad ng pills, injectable, implants at IUD ay sanhi ng paghinto ng regla.
- Ang PCOS o Polycystic Ovary Syndrome ay dahilan ng abnormal na lebel ng hormone na estrogen, progesterone at testosterone.
- Hindi din dumarating ang regla kung nag-breast feeding.
- Ang mga babae na stress ay mataas ang cortisol o “stress hormone” kaya mababa ang lebel ng estrogen, hindi kakapal ang lining ng bahay bata kaya hindi na nag-regla.
- Ang iba na sobra sa timbang ay mas hirap mag-ovulate.
- Kapag kulang sa nutrisyon, anti-oxidants at probiotics, mahihirapan ang adrenal gland at thyroid gland na dahilan din ng pagtaas ng cortisol kaya apektado ang buwanang regla.
Tips:
- Bawasan ang stress
- Diyeta at tamang nutrisyon
- Suriin ang exercise
- Kumonsulta sa OB-Gynecologist