Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong
- I-text o sulatan o tawagan ang mga anak, kamustahin sila.
- Regular na i-date ang mga bata at tanungin ano nangyayari sa kaibigan at eskwelahan nila, halimbawa kada biyernes. Kung walang pera, sa murang lugar na lang at kasama din ang tatay nila.
- Turuan ang mga bata ng good manners at right conduct tulad ng paano maging magalang, may respeto sa gamit ng iba, pagbukas ng pinto sa iba, pagbibigay ng silya sa seniors at pagpila.
- Maging mapagbigay sa mahihirap tulad ng lumang damit, laruan at isama sila magbigay.
- Maglaan ng oras para lamang sa anak habang nasa bahay ang mga bata, pag nasa family day or school events kayo ng mga anak ninyo.
- Magagandang salita ang gamitin pagkausap sa bata, bigyan ng regalo kahit hindi mahal, asikasuhin, yakapin at holding hands din kayo.
- Turuan maging matapang sa buhay, labanan ang takot, pero andun ka para bantayan sila. Para paglaki nila ay matapang makipag-sapalaran o risk taker.
- Kapag kausap niyo mga anak ipadama niyo na kamangha-mangha, kaakit-akit o interesado kayo sa mga kwento nila kasi nagbibigay ito ng lakas sa kanilang sarili. Full Attention dapat.
- I-welcome ninyo ang mga kaibigan ng inyong anak sa bahay. Hindi kailangan mahal ang mga pagkain, pero ipag-gawa sila ng makakain tulad ng sandwich, salads, juice para masaya silang magkatuwaan.
- Isali sa sports ang inyong mga anak. Trabaho natin iprepare uniporme nila, baunan ng pagkain at tubig at healthy drink, pumalakpak, mag cheer. Kailangan nila maging healthy.
- Kailangan madasalin at religious ang kanilang ina. Ipagdasal natin ang mga bata kahit hindi natin maintindihan bakit sila naliligaw ng landas. Dasal lang hanggang 1 araw babalik din sila sa ina. Ang bahay natin gawin natin na peaceful at bahay ng Diyos. Ipakilala ang Diyos ng maaga sa kanila.
- Turuan magmahal sa lolo at lola, mga kamag-anak, kailangan sila ng mga bata.
- Turuan ang mga anak na magtrabaho ng marangal, magbusiness, magbayad ng buwis, magsipag, magtiyaga, maging honest sa pera at pananalita, turuan ng integrity o pagkakatiwalaan.
- Turuan magrespeto sa iba’t ibang paniniwala, bansa, kultura, at paano pangalagaan ang lupa, tubig, hangin, (environment).
- Turuan din na mas mapagpatawad at maintidihan ang pinagdadaanan ng iba.