A photo of watermelon slices

By Doc Liza Ramoso-Ong

Maraming tao ang nasorpresa sa galing na ipinakita ng pakwan. Sino ang mag-aakala na pagkatapos ng maraming dekada, ngayon lang nadiskubre ang mga sikreto ng pakwan.

Alamin natin ang bisa nito:

  1. Mabuti sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso.
  2. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat, nakapagpapababa ito ng blood pressure. Ang potassium at magnesium ng pakwan ay may tulong din sa blood pressure.
  3. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto, baka may tulong ang pakwan bilang pampagana sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat sa ari ng lalaki. Dahil dito, para na ring Viagra ang epekto ng pakwan. Wala pa itong masamang side effect. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.
  4. Pag-iwas sa kanser – Ang pulang pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser at pag-edad. Ang kamatis ay marami ding lycopene.
  5. May benepisyo sa mata – Ang pakwan ay may vitamin C at vitamin A na kailangan ng ating mata. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser, ang dilaw na pakwan naman ay may tulong sa mata (pag-iwas sa macular degeneration). Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan.
  6. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. Mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at ligtas ito kahit sa may ulcer. Kung sinisikmura ka o may ulcer, umiwas sa orange at pinya dahil maasim ito.
  7. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pagbawas sa bad breath.
  8. Mabuti sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipated), kumain ng maraming pakwan.

Related Posts