Original Video and Article By Doc Liza Ramoso-Ong
Maraming benepisyo ang munggo sa puso, utak at katawan natin. Hindi tunay ang kasabihan na bawal ito sa arthritis. Puwede po ito kainin dahil masustansyang gulay ito.
1. Masustansya ang munggo sa lumalaking bata at sa matatanda din dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.
2. Bagay sa may diabetes at maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa munggo ay laban sa bad cholesterol.
3. Ang high fiber nito ay may cholecystokinin, para mabilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas makakapagbawas ng timbang. Bagay din sa nagtitibi at may IBS o Irritable Bowel Syndrome na maganda sa tiyan at pagtunaw.
4. Puwede kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin at globulin, isoleucin, leucine, valine.
5. Puwede din sa may sakit sa kidney kasi ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.
6. Merong folate o folic acid ay dapat kakainin ng nanay na buntis para sa nervous system ng sanggol.
7. Maraming taglay na iron na siyang nagdadala ng oxygen sa buong katawan at sa utak para focus at maganda ang memorya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at anemic.
Kaya kumain ng munggo dahil pampalakas ng immunity o kaligtasan sa sakit.
Masarap na Luto ng Munggo
Sa pagluluto, igisa ang munggo sa bawang at sibuyas na may taglay na flavonoids at selenium para sa maiwasan ang kanser. Ang luya ay panlaban sa pamamaga. At ang kamatis ay pinagkukunan ng vitamin C, E at K.
Ang ibang gulay na pwedeng isasama sa munggo ay ang talbos ng ampalaya o bunga, talbos ng malunggay, sili, spinach, alugbati, kangkong, sitaw, kalabasa at talong.
Mamili ng isasahog tulad ng manok, baboy, beef ribs/ tadyang, isda tulad ng dilis, hipon o hibe.
Mga lutong pang-merienda ng munggo ay nilaga na may gatas, mais, o malagkit na bigas. Pwede din gawing sorbetes, halo halo, tinapay na monggo, hopia, ensaymada at buchi.
Bagay itanim sa Pilipinas ang monggo dahil mainit o tropical climate, pang alternate cropping sa ibang tanim, at pwede din itanim sa medyo mabuhangin na lupa.
Paalala: Ang laman na purine ng munggo ay katamtaman (moderate) lamang kaya pwede kainin ng may rayuma. Kung mataas ang uric acid ay hinay hinay lang pagkain, hindi po bawal. Ang bawal sa merong gout ay yung mataas sa purine tulad ng atay, pale, bato, balunan o yung nasa bopis.