Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong
Umiitim ang kili-kili dahil sa iba’t ibang dahilan. Alamin ito para maiwasan.
- Dahil sa pag-ahit o shaving. Titigas ang bukok at iitim ang balat kung laging naiirita o nagagalusan. Mas mainam ang waxing o laser, kaya lang ay may kamahalan ito. Gumamit ng shaving cream o banayad na sabon kapag nag-aahit para maiwasan ang gasgas.
- Ang mga deodorants at anti-perspirants ay maaaring matatapang na kemikal, kaya gumamit ng mild deodorants lamang.
- Ang patong patong na dead skin cells ay nag-iipon sa kutis. Pwede ang exfoliation o pagtuklap ng dead skin cells gamit ang 1 kutsarita ng asukal at 1 kutsarita ng olive oil na pinaghalo at panatilihin sa kutis sa loob ng limang minuto.
- Ang hyperpigmentation ay dahil sa melanin pigment na nagbibigay ng kulay sa balat. Mas maraming melanin, mas maitim.
- Ang pagkiskis ng balat sa masikip na manggas ng damit ay nakakaitim din ng kili-kili kaya luwagan ang manggas.
- May tinatawag na Acanthosis Nigrican sa matataba, diabetiko o may abnormal na hormones.
- Ang bacteria na Corynebacterium minutissimum ay nagdudulot ng pagpapawis at body odor.
- Ang paninigarilyo ay nakakaitim ng balat.
- Magkakaroon ng melasma kapag naarawan, o nagbuntis dahil sa pagbabago ng hormones.
- Ang Addisons disease ay sakit na may kasamang pagod, hindi makakain, low blood pressure at low blood sugar, suka, pagtatae, etc.
- Kung ang lahi ay mas morena, mas maiitim din ang kili-kili.
- Dahil sa problema sa hormones tulad ng PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) at hypothyroid.
Ang mga dermatologists mula sa Philippine Dermatological Society ay nagbibigay ng tretinoin, peels, o dermabrasion. Pwede din subukan ang kojic acid na sabon at deodorants.