Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong
Ang labi ay parang sponge. Nag-a-absorb ng tubig para plump o maumbok ang labi. Kapag kulang sa iniinom na tubig o dehydrated, nagiging tuyot o manipis ang labi. Ang labi ay walang oil glands kaya nag-puputok-putok o nagsusugat.
Tips para gumanda ang labi:
- Uminom ng 8-10 basong tubig para laging malambot at hydrated ang labi.
- Hindi magandang pambasa ng labi ang laway dahil nakaka-dry ng labi. Ang laway ay mayroong digestive enzyme o pantunaw.
- Gumamit ng lip balm tulad ng beeswax, shea butter at iba’t ibang oils. Pwede din ang petroleum jelly, mura lamang ito.
- Pumili ng lip balm na may SPF para proteksyonan ang labi sa UV rays ng araw.
- Sa pagpili ng lipstick, tingnan kung may Glycerin o Vitamin E ang lipstick.
- Maglagay muna ng lip balm bago ang matte lipstick. Nakaka-dry kasi ang matte.
Pangkaraniwang problema ng labi:
- Nagsusugat sa gilid ng labi. Kaya lagyan ng lip balm ng madalas.
- Nagbabalat na labi. Maaari itong allergy sa lipstcik, toothpaste, o iniinom na gamot. Maaaring may kasamang rashes o pangangati sa ibang parte ng katawan. Kumonsulta po sa inyong dermatologist.
- Wrinkles sa may bibig. Lagyan ng moisturizing cream, lotion, o sunblock at umiwas sa araw. Itigil din ang paninigarilyo.
Pangalagaan natin ang ating lips para maging maganda. Salamat po.
Paano Magkaroon ng Mapulang Labi
Ang maitim na labi ay dahil sa ultraviolet rays ng araw, sigarilyo, pag-inom ng mga may kulay na inumin tulad ng kape, tsaa, o kaya naman ay lahi.
Tips para pumuti, mag-pink o pumula ang labi:
- Asukal at butter scrub – Ang asukal ay exfoliant, para tanggalin ang dead cells sa ibabaw ng labi. Ang butter naman ay para mag-oil sa lips. Gumawa ng asukal at butter paste: Paghaluin ang isa at kalahating kutsarita ng asukal at isang kutsarita ng butter. I-scrub sa labi tapos ay banlawan at lagyan ng lip balm. Kapag walang butter pwede ipalit ang langis ng niyog. Gawin 2-3 beses kada linggo.
- Ang kalamansi o lemon ay mayroon itong natural na bleaching o pampaputi ng labi at dark spots. Pigain at i-masahe ang juice sa labi bago matulog. Lagyan ng tubig para hindi masyado matapang.
- Pwede din lagyan ng honey ang labi tuwing gabi, patuyuin at hayaan lang ito magdamag.
- Pwede din lemon, asukal at langis ng niyog scrub.
Sana ang mga scrubs at tips na ito ay makatanggal ng maiitim na patse, makapagpapalambot at magbigay ng pink o pulang kulay sa inyong labi.