Photo showing ladies hands and feet

By Dr. Liza Ramoso-Ong

May mga kaso kaming nakita na na-“murder” ang kuko ng customer ng isang manikurista. Nasugatan at nagkaroon ng malalang impeksyon sa daliri ng paa.

Ayon sa isang pagsusuri sa America, may 50% ng mga salon ang gumagamit ng kontaminadong kagamitan pang-pedicure at manicure. May bacteria na natagpuan sa kanilang mga nail clippers, nail file, at tubig na pinangbababad sa kuko.

Paano tayo iiwas sa impeksyon? Sundin ang mga payong ito:

  1. Pumunta lamang sa mga malinis na salon o manikurista na sa tingin mo ay masinop mag-trabaho.
  2. Ibabad ang mga gamit (tulad ng nail clippers at iba pa) sa 70% rubbing alcohol sa loob ng 20 minutos. Gawin ito bago gamitin sa panibagong customer.
  3. Kailangan maghugas maigi ng kamay ang manikurista at customer bago magsimula.
  4. Mag-dahan-dahan lang. Kapag may sakit na naramdaman, ang ibig sabihin ay nagkasugat na at puwede itong magdulot ng impeksyon. Lagyan agad ng alcohol o povidone iodine ang sugat.
  5. Kung ikaw ay may diabetes, namamanhid ang paa o na-stroke, ang payo namin ay huwag na lang magpa-pedicure. May problema sa ugat (nerves) ang mga diabetic at puwedeng hindi maghilom ang sugat nila sa paa. Baka maputol pa ang paa kapag kumalat ang impeksyon.
  6. Mag-ingat sa paghila ng mga “hangnail” o iyung mga balat sa tabi ng kuko. Ang paghila at pagkasugat nito ang pinanggagalingan ng impeksyon sa daliri.

Gumamit ng Povidone Iodine tulad ng nabanggit ko sa nakaraang artikulo.

Related Posts