A photo of hands spraying alcohol

By Dr. Liza Ramoso-Ong

May simpleng paraan para makaiwas sa maraming sakit. Kabilang na dito ang pag-iwas sa trangkaso, pigsa, sipon, sore eyes, pagtatae at marami pang iba. Ano ang sikreto? Simple lang: Magbaon at gumamit ng alcohol.

Alam mo bang mas mabisa ang alcohol kaysa sa sabon sa pagpatay ng mikrobyo? Oo, tama po iyan. Ang 70% alcohol ay nakapapatay ng mga bacteria at virus, pero ang sabon ay nakatatanggal lamang ng dumi. Ang pinakamaganda siyempre ay ang regular na paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol.

Kailan gagamit ng alcohol?

Kapag nanggaling ka sa banyo at walang tubig at sabon, mag-alcohol ka na lang muna. Kapag ika’y nakipagkamay sa mga tao o humawak ng maduduming bagay, mag-alcohol din. Lalo na sa mga pulitiko na maraming nakakahalubilo, kailangan may dala silang alcohol.

Ayon sa mga Infectious Disease experts, ang kamay natin ang numero unong pinangagalingan ng mga sakit tulad ng:

  1. Sipon at ubo – Ang virus ng sipon at ubo ay madaling makahawa. Madalas din magkahawahan ang mga bata dahil mahilig silang makipaglaro at magyakapan sa isa’t-isa. Ang kamay nila ay may dalang bacteria at virus na madaling maipasa sa kalaro. Kaya dapat nating turuan ng kalinisan ang ating mga anak.
  2. Sore eyes – Bacteria sa mata ang sanhi ng sore eyes. Sobra itong nakahahawa lalo na kung nakipagkamay ka sa isang taong may sore eyes. Huwag na lang muna makipagkamay.

Para Sa Tigyawat:

Puwede gamitin ang alcohol bilang gamot sa sari-saring impeksyon sa katawan.

Sa mga madalas magkaroon ng tigyawat, alcohol din ang solusyon diyan. Ang tigyawat ay dala ng bacteria sa balat.

Basain ang bulak ng alcohol at ipahid ito ng 3 beses sa maghapon. Madaling matutuyo ang iyong tigyawat, at hindi na kakalat ang impeksyon.

Isa pang payo: Mas mabisa pa ang paggamit ng Povidone iodine para sa mga sugat, pigsa at iba pang impeksyon. Puwedeng ipalit ang Povidone iodine sa alcohol.

Tandaan: Kalinisan ang panlaban natin sa mga sakit. Bukod sa paggamit ng alcohol ay maligo din maigi araw-araw.

Related Posts