Photo of Rashes in Skin

By Doc Liza Ramoso-Ong

  1. Huwag lalampas sa 7-10 minuto sa shower. Ang pagbabad tubig ay nakatutuyo ng balat. Pagmasdan mo ang iyong kamay kapag matagal ng nakababad sa tubig. Kumukulubot hindi ba?
  2. Magkuskos lang ng bahagya. Alam kong gusto natin maging malinis. Pero kung hindi naman tayo ganoon kadumi sa maghapon, huwag nang magkuskos ng malakas. Hindi rin pinapayo ni Dra. Katty Go ang pag-gamit ng hilod o lufa. Kapag sobra ang pagkukuskos, matatanggal ang oil (o moisture) na nagpapakinis sa ating balat.
  3. Maglagay ng lotion o bath oil agad pagkatapos maligo. Ayon kay Dra. Katty Go, ito ang pinakamagandang panahon ng paglagay ng lotion o bath oil (mabibili ito sa supermarkets) dahil nakabukas pa ang ating mga pores sa balat. Lagyan ng lotion ang mga tuyong parte ng katawan tulad ng siko, kamay, paa, tuhod, tainga at batok. Kung nalalagkitan ka sa lotion, subukan ang bath oil.
  4. Kung masyadong tuyo ang iyong balat, maglagay ng pangalawang pahid ng lotion. Sa unang pahid ay na-a-absorb ng ating balat ang lotion. Kaya puwede mo pang lagyan ng isang pahid ng lotion.
  5. Sa pagpili ng lotion at sabon, umiwas sa mga may matatapang na pabango, na puwedeng magdulot ng allergy. Maganda ang Ivory soap (walang pabango) at Dove soap (na may oil). Kung gumagamit kayo ng Dove soap, mapapansin ninyo na may natitirang oil sa iyong balat kapag ika’y nagbabanlaw na. Huwag mo nang piliting alisin itong oil dahil nakatutulong ito sa pagpapalambot ng iyong balat.
  6. Tandaan: Huwag gumamit ng sabon panlaba para sa iyong kamay o katawan. Matapang ito at nakasisira ng kutis.
  7. Pagkatapos maghilamos ng mukha, puwedeng gumamit ng moisturizer para sa mukha. Lagyan din ang ilalim ng mata para mabawasan ang wrinkles sa eye bags.
  8. Okay lang kung gusto ninyong maligo ng malamig o mainit na tubig. Para sa akin, mas gusto ko ang maligamgam na tubig.
  9. Sa pag-shampoo ng buhok, siguraduhing basang-basa ang iyong buhok bago ito lagyan ng shampoo. Huwag gamitin ang sabon bilang pang-shampoo, Hindi ito angkop (mali ang Ph) para sa buhok. Kung may balakubak, gumamit ng mga anti-dandruff shampoo. Dapat mo lang iwan ng 5 minuto ang shampoo sa iyong buhok at anit para mabawasan ang balakubak.
  10. Puwedeng gumamit ng astringent tulad ng Eskinol para linisin ang iyong mukha ng mga 2 beses kada linggo. Dahil may sangkap itong alcohol, natatanggal nito ang mga dumi na hindi kayang tanggalin ng sabon. Ngunit, paminsan-minsan lang ito gamitin dahil nakaka-dry ito ng balat.

Related Posts