A photo of a woman experiencing pimples

Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong

Ang mga teenagers ay mas nagkakaroon ng pimples dahil sa pagbabago ng hormones, may bacteria sa balat at may fatty acids galing sa oil glands.

Doc Liza talks about pimples.

Heto ang mga tips: 

  1. Magbawas ng stress at puyat.
  • Maghilamos 2-3 beses sa maghapon gamit ang mild soap o facial cleanser na may benzoyl peroxide or salicylic acid na nabibili sa botika o grocery.
  • Linisin ng alcohol ang pimples para mapatay ang bacteria gamit ang cotton buds na nilagyan ng alcohol.
  • Mag-shampoo ng buhok sa gabi dahil kapag dumikit ang maduming buhok sa balat ay pwedeng maging sanhi ng pimples.
  • Sa mga babae, piliin ang oil free o water based or non-comedogenic na make-up o produkto sa mukha.
  • Iwasan ang mga junk foods at oily foods.
  • Uminom ng maraming tubig at kumain ng mga prutas at gulay dahil sa taglay na beta carotene.
  • Huwag putukin ang pimples dahil pwede itong magpeklat.
  • Kumonsulta sa dermatologist kapag sobrang dami ng pimples. Posible na mabigyan kayo ng antibiotics, retinoids at benzoyl peroxide creams at para malaman ang sanhi ng pimples.

Pimples at Makinis na Kutis

Ang mga nagkaka-tigyawat, whiteheads at blackheads ay teenagers, umiinom ng oral contraceptive pills, buntis o bago mag-menopause at may lahi ng maraming pimples.

Maaaring maka-iwas sa pimples sa sumusunod:

  1. Palitan ang oil-based make-up ng water based or oil free make-up.
  • Maghilamos maigi sa gabi gamit ang mild soap at tubig at bago maglagay ng gamot sa pimples.
  • Sa paglalagay ng mga gamot sa tigyawat tulad ng benzoyl peroxide, ilagay sa mismong tigyawat at sa paligid nito lamang at huwag ikalat. Simula sa mababang strength ay unti-unting itaas ang strength kapag hindi mapuksa.
  • Kapag meron mga gamot para sa pimples, iwasan ang magpa-araw.
  • Subukan ihilamos sa umaga at sa gabi ang malamig na chamomile tea para ma-improve ang pores ng kutis.
  • Ang paglagay ng make-up sa pimples ay gawing foundation muna tapos powder tapos foundation ulit.

Related Posts