Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong
Recipe ng Tokwa Guisado:
- Hugasan ang tokwa, patuyuin at hiwain ng pahaba. Tapos ay iprito sa mantika ang tokwa hanggang sa maging brown ang kulay at itabi muna.
- Maghiwa ng konting laman o manok, yung hiwang pang-gisa, ipa-brown sa mantika at itabi din muna.
- Sa mainit na mantika ay igisa ang sibuyas, bawang, kamatis, at ihalo na ang baboy o manok. Timplahan ng isang kutsarang oyster sauce at 1/4 tasa ng tubig.
- Isunod na ang tokwa sa kawali na pinag-gigisahan. Hinaan lang ang apoy para ma-absorb ang konting sauce at maging malasa.
- Kapag malapit na hanguin ay ilagay ang kuchay o murang dahon ng sibuyas. Ilagay na sa lalagyan.
Benepisyo ng tokwa sa katawan:
- Ang tokwa ay mayaman sa protina na pampalit sa karne kaya pwede sa mga taong may kidney failure.
- May taglay itong carbohydrates na pwede sa diabetiko.
- Madaming calcium ang tokwa para maiwasan ang osteoporosis, at mayaman sa isoflavone na isang phytoestrogen para maiwasan ang mga nararamdaman sa menopause.
- Ang tokwa ay walang kolesterol at merong potassium.
- Mababa sa uric acid ang tokwa. Pwede sa may arthritis. Kaya kain na!