A photo of different vegetables and brown rice side by side

Ang calories ay natatagpuan sa mga pagkain at ito ang nagbibigay ng lakas sa atin. May 3 klase ng calories: Puwede ito makuha sa carbohydrates, protina o fats. Makikita ito sa nutritional label ng mga pagkaing nakapakete.

Sa pangkaraniwang diyeta, 60% ng calories ay galing sa carbohydrates, 20% sa proteins at 20% sa fats.

Ano Ang Good Carbohydrates At Bad Carbohydrates?

            And ehemplo ng pagkaing mayaman sa carbohydrates ay ang kanin, tinapay, spaghetti, patatas at gulay. May mga mabuting carbohydrates at may masamang carbohydrates.

Ang mabuting carbohydrates ay ang wheat bread, brown rice at mga gulay. Puwede ito sa may diabetes at hindi nakatataas masyado ng asukal sa dugo.

Mayroong tinatawag na masamang carbohydrates tulad ng white rice, white bread, noodles at French fries. Mabilis ito makataas ng blood sugar kaya hinay-hinay lang sa pagkain.

Ilang Calories (Pagkain) Ang Kailangan Mo?

Ano ang calories? Ang bawat pagkain ay may taglay na calories. Ito ang nagbibigay ng enerhiya sa atin.

Kung sobra ang kakaining calories, tataba tayo. Kung kulang naman ang calories na kakainin natin, papayat naman tayo. Ang pagbabawas ng calories ay ipinapayo ng doktor para sa mga sumusunod: sobra sa timbang, may sakit sa puso, may high blood pressure o may diabetes.

Ayon sa mga nutritionists, heto ang rekomendadong calories sa isang araw. Mababasa ito sa Table.

Ang dami ng calories ay nakabase sa ating kasarian, edad at gawain sa araw-araw. Mayroong mga trabaho na tinaguriang light worker, moderate worker at heavy worker. Alamin natin kung saan papatak ang ating trabaho o gawain.

Lebel Ng Gawain:

  1. Light physical activity – Ayon sa eksperto, ang pinakamababang aktibidad pisikal ay ang trabaho ng secretary, clerk, typist, administrator at bank teller. Ang mga sumusunod ay light activity din: teacher, nurse, student, doctor, laboratory technician, at housewife na may kasambahay.
  2. Moderate activity – Ang moderate activity ay para sa housewife na walang kasambahay, vendor, mechanic at driver.
  3. Heavy physical activity – Ang pinakamabigat na trabaho ay ang gawain ng magsasaka, mangingisda, laborer, kargador, coal miner, at heavy equipment operator.

Kaibigan, tandaan natin na ang mga aktibidad na ito ay payo lamang. Puwede ka naman mailagay sa mas mabigat na aktibidad kung pakiramdam mo ay sobrang napapagod ka. Tandaan din na ang pag-ehersisyo katulad ng paglalakad ng 3 kilometro sa isang araw ay kasali na sa moderate activity.

Kung titingnan ninyo ang Table, ang may mas mataas na aktibidad ay puwedeng kumain ng mas marami kumpara sa mababa ang aktibidad. Ito ay dahil mas kailangan ng katawan ang enerhiya kapag mabigat ang trabaho. Good luck.

Rekomendasyon Sa Dami Ng Calories Bawat Araw
KasarianEdadLight ActivityModerate ActivityHeavy Activity
Babae4-81,3001,5001,600
 9-131,5001,8002,000
 14-181,8002,0002,400
 19-501,9002,1002,300
 51 at pataas1,6001,8002,100
Lalaki4-81,3001,5001,800
 9-131,8002,0002,300
 14-182,2002,6003,000
 19-502,4002,6002,900
 51 at pataas2,1002,3002,600

Related Posts