Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong
Ang pangunahing dahilan ng pagnipis ng kilay ay ang sobrang pagbubunot o pag-threading. Sa bawat pagbubunot ng buhok ng kilay ay nagkakaroon ng pinsala sa hair follicles at maaaring hindi na tumubo muli.
Panawagan ko sa mga beautician at kabataan, iyong mga nasa tabi-tabi o sobra na kilay lang ang tanggalin. Mayroon mga solusyon para gumanda ang kilay:
- Eyebrow pencil – Kung gagamit ng eyebrow pencil, iguhit lang para maganda ang hubog o shape ng kilay.
- Eyebrow gels or wax – Maaaring gamitin ito para maisa-ayos ang mga buhok sa kilay lalo na sa mga puwang na pwedeng i-porma.
- Pigilan ang sarili sa pagbubunot ng kilay. Itabi na ang mga tweezers dahil hindi mo napapansin na na-kalbo na ang iyong kilay.
- Itanong sa inyong dermatologist kung puwede kayong gumamit ng minoxidil solution para tumubo muli ang iyong kilay.
- Kung tatanggalin ang eyebrow make-up, ilubog muna ang cotton buds sa eye make-up remover. Bago tanggalin ng banayad ito. Iwasan ang madiin na pag-alis ng eyebrow make-up dahil maaari rin sumama at matanggal ang buhok.
- Kung mayroong dandruff o balakubak sa kilay, kumonsulta sa iyong dermatologist para maresetahan kayo. Depende sa kondisyon, binibigyan ng mild steroids o anti-fungal cream.
Sana nakatulong itong payo ko sa inyong pagpapaganda. Good luck po.