A photo of a woman in her underwear

Original Article and Video by Dr. Liza Ramoso-Ong

May mga kababaihan na nakakaramdam ng pangangati o burning sensation sa may pwerta. Mayroon din na kulay puting discharge na parang kesong puti. Ang tawag sa impeksyon na ito ay vag-inal candidiasis.

Mga Dapat Gawin:

1. Maguhugas ng pwerta gamit ang mild soap at tubig.

2. Huwag gumamit ng pantyliners. Gumamit ng cotton panties at magpalit ng 3 beses sa maghapon.

3. Magsuot ng maluwag na pantalon. Huwag muna ang mga masisikip na pants at pantyhose stockings. Para mabawasan ang init at pamasa-masa sa maselang bahagi.

4. Pwede ang mga anti-fungal vaginal suppository na inilalagay sa loob ng pwerta bago matulog sa loob ng 7 araw. Kumonsulta sa doktor para ma-resetahan.

Tandaan: Kapag ayaw gumaling, buntis o may diabetes, ay kinakailangang kumonsulta sa doktor.

Related Posts